Sagot :
URI NG PANGUNGUSAP
Answer:
Mayroong apat na uri ng pangungusap. Ang mga ito ay pasalaysay o paturol, pautos o pakiusap, patanong at padamdam na pangungusap.
- Ang pasalaysay o paturol na pangungusap ay nagtatapos sa tuldok.. Halimbawa, "Si Ben ay masayang nakikipaglaro sa kanyang mga kaklase". Kung mapapansin natin ay nagsasalaysay lamang ito.
- Ang pautos o pakiusap na pangungusap ay nagbibigay utos o pakiusap. Halimbawa, "Pakikuha mo ang payong ko., Pakiabot mo ang aking lapis., Pakipulot mo ang basura". Ang pangungusap na ito ay nagtatapos din sa tuldok at kung mapapansin natin kapag nag uutos ay may "paki-" sa unahan upang may maipakita ang paggalang.
- Ang patanong na pangungusap ay nagtatanong. Halimbawa, "Kaninong bag ito?, Sino ang kumuha ng aking lapis?, Para saan ang pagdiriwang na ito?" Kung mapapansin natin ay may tandang pananong sa huli ng pangungusap. Ito ang kanyang simbolo (?).
- Ang padamdam naman na pangungusap ay nagpapakita ng pagka mangha o pagkagulat. Halimbawa, "Aba! ang ganda ng bahay mo., Wow! ang galing mo talaga., Aray! nasugatan ang paa ko". Kung mapapansin natin sa pangungusap ay may padamdam (!) na simbolo.
Apat na uri ng pangungusap
brainly.ph/question/985805
#LETSSTUDY