Isulat ang T kung Tama sa iyong sagutang papel kung wasto ang sinasabi ng pangungusap at M kung Mali naman kung hindi. 16. Ang mga pagdiriwang ng mga komunidad ay nagpapakita ng mayamang tradisyon at kaugalian. 17. Ang mga ginagawang produkto sa komunidad ay walang kinalaman sa kanilang kultura. 18. Kailangang ingatan at pangalagaan ang mga anyong tubig at lupa sa komunidad upang mapanatili ang mga ito. 19. Nararapat na kalimutan na ang mga katutubong sining sa komunidad. 20. Dapat pahalagahan at panatilihin ang mga katangiang kultural ng bawat komunidad para sa mga sumusunod pang salinlahi.