👤

OBRA

Ni Kevin Bryan Marin

TAUHAN: MAKSIMO

VALENTIN

EUGENIO

TAGPUAN: Ang entablado’y medyo madilim. Isang ilaw lamang ang nakabukas.

May tatlong kahong magkakapatong-patong at doon, nakaupo ang tatlong tao. Ang

ayos ng mga kahon ay parang sa mga tinatayuan ng mga nanalo sa palakasan

(hugis tatsulok kung saan nakapatong ang isa sa dalawang magkatabi sa baba). Sa

kahon sa kaliwa nakaupo ang unang tao, sa pinakamataas na kahon ang ikalawa,

ang ikatlo naman sa kanan. Nakapaligid sa kanila ang mga nakahandusay na

anino. Hindi masabi ang oras dahil ang araw ay tila hindi lumulubog. Sa baba ng

entablado ay may dalawang sekyu na naglalaro ng baraha.

[MARAHAS NA MAG-AAWAY SINA MAKSIMO AT EUGENIO AT SI VALENTIN ANG

MAGSISILBING TAGAPAMAGITAN. ‘DI KALAUNA’Y MAUUNTOG SI EUGENIO SA

“HINDI MAKITANG PADER.” MAPAPAHINTO ANG LAHAT.]

MAKSIMO: Kita mo?! Ngayon nama’y naniniwala ka na siguro?

EUGENIO: [KAKAPAIN ANG HARANG] Imposible ito! Isa akong henyo ngunit

wala pa akong naririnig na ganitong klaseng imbento!

MAKSIMO: [MANG-AASAR] Henyo na kung henyo… kulang pa rin sa talino!

EUGENIO: Kanina ka pa! Namumuro ka na!

[MAG-AAWAY MULI ANG DALAWA]

VALENTIN: Tigilan niyo na yan! Ang away n’yo ay isang malaking

kahangalan. Bakit kaya hindi magtulungan? Kapag

marami’y mas malakas. Hindi ba mas madaling

makaaalpas?

EUGENIO: Tama, tayo’y magsama. Ang mga alitan ay atin munang

kalimutan.

MAKSIMO: At sa pagpaplano, magkasundo na tayo.

[MAGKAKATINGINAN ANG DALAWA AT KANYA-KANYANG MAGMUMUNI-

MUNI.] [SANDALING KATAHIMIKAN.]

EUGENIO: Alam ko na! Hindi ba’t ang layunin nati’y iisa lamang, ang

makalabas sa harang? Ano kaya kung ang paggiba nito’y ating

pagtulung-tulungan?

[LUBHANG MAMAMANGHA ANG TATLO SA IDEYA AT BABALIK SA PAGMUMUNI-

MUNI. UUPO SI VALENTIN SA KAHON. KATAHIMIKAN ULIT. TATAPAT SA ILAW NA

NAKABUKAS SI MAKSIMO.]

MAKSIMO: Alam n’yo ba kung bakit gusto kong makalabas? Ang

Kanlungan ng Araw ang nais kong tunguhing landas! [TITINGALA

AT ITUTURO ANG SPOTLIGHT HABANG NAKANGITI.]

VALENTIN: [SA DILIM] At ano naman ang naghihintay sa iyo roon, kaibigan?

MAKSIMO: [NAKATITIG SA SPOTLIGHT] Kalayaan! Walang hanggang

kasiyahan! Kailanma’y ‘di ko na daranasin ang kahirapan, ang

kalungkutan! Nais kong isama rito ang mahihirap upang ang

lubos na kalayaa’y aming malasap. At sa gawaing busilak,

ang puso ko’y magagalak.

EUGENIO: [SA SARILI] Nangarap ang ambisyoso…

MAKSIMO: May sinabi ka, Eugenio?

EUGENIO: [PLASTIK NA NGINGITI KAY MAKSIMO] Wala, aking katoto!

VALENTIN: Eh, ikaw Eugenio, ano naman ang nasa mo?

[AALIS SA TAPAT NG ILAW SI MAKSIMO. TATAPAT SA ILAW SI EUGENIO.]

EUGENIO: [NAGMAMALAKI] Para sa inyong kaalaman, aking mga kaibigan,

ako’y isang taong sadyang biniyayaan ng Diyos ng katalinuhan.

Kaya simple lang naman ang nais ng aking lubhang

mapagpakumbabang puso…karangalan. Karangalan para sa

aking mga naimbento at nadiskubre. Karangalan para sa aking

pambihirang katalinuhan. Ngunit sa kabila ng karangalang

ito, hatid ko rin ang tulong–mediko para sa mga kapos-palad

sa bayan ko. At gaya mo, [TITINGIN KAY MAKSIMO] kasiyahan at kalayaan din, para sa akin ang dulot nito.

EUGENIO: Ikaw, tahimik na kaibigan, ano naman ang nais ng iyong

kalooban?

[TATAYO SI VALENTIN SA PAGKAKAUPO AT TATAPAT SA ILAW NA NAKABUKAS.]

VALENTIN: Simple lang. Ang sa aki’y para sa aking naghihikahos na puso,

sapagkat nakita na niya ang kanyang kahati. [PILIT INAANINAG

SA MGA MANONOOD ANG SINISINTA] O, aking irog, ako’y

hintayin. Upang makita ka, tandaang ang lahat ay aking

gagawin. At ang harang na ito’y kasama sa lahat ng aking

haharapin upang ika’y makapiling. [KAKALAMPAGIN ANG

HARANG.] Ika’y aking iniibig! Alam kong ako’y iyong

naririnig… [MAPAPALUHOD HABANG LUGMOK SA

KALUNGKUTAN.]

EUGENIO: Kung gayo’y hayo na’t tuparin ang aking plano na pabagsakin

ang balakid na ito!

MAKSIMO: Ngunit, kaibigang Eugenio, paano?

[MAGKAKAMOT NG ULO SI EUGENIO. TATAYO SI VALENTIN.]

VALENTIN: Pagbilang ng tatlo, itutulak natin ang pesteng sagabal na ‘to.

Isa…

EUGENIO: Dalawa…

MAKSIMO: Tatlo!

[GAGAWA SILA NG KANYA-KANYANG TINDIG UPANG MAKABUO NG ISANG

KAKAIBANG PORMASYON. SUSUGURIN NILA AT SUSUBUKANG ITULAK ANG

PADER NGUNIT SILA’Y MAPAPAGOD.]

VALENTIN: Kaya natin ‘to!

LAHAT: Todo na ‘to!

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Nakapagtala ka ba sa’yong kwaderno?

Dadako naman tayo ngayon sa mga gawain na makatutulong para lubos mong

maunawaan ang aralin na ito.


pahelp po tysm < 3​


OBRANi Kevin Bryan MarinTAUHAN MAKSIMO VALENTIN EUGENIOTAGPUAN Ang Entabladoy Medyo Madilim Isang Ilaw Lamang Ang Nakabukas May Tatlong Kahong Magkakapatongpato class=