1. Sino sa mga sumusunod ang maituturing mo bilang kapwa mo? a. tatay, nanay, kuya, ate, lolo,lola at iba pang tao b. tatay, nanay, aso, kuya at ate c. tatay, nanay, kapitbahay at mga halaman d. tatay, nanay, laruan at kamag-anak 2. Ano ang indikasyon na masasabi mo na ang kapwa mo ay isang mabuting tao? a. isang tao na tumutulong sa kapwa niya na naghihintay ng kapalit b. isang tao na nagbibigay ng libreng gamot para maging sikat c. isang tao na binuhis ang buhay para masagip ang bata na nalulunod sa ilog d. isang taong mayaman na ginagawang katatawanan ang mga mahihirap 3. Paano magiging makabuluhan ang iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa? a. sinisiraan ang mga kaibigan kapag hindi na sila ang kaharap b. ipinagtatanggol ang kaibigan kahit mali ang kanyang ginawa c. nagiging masaya sa tuwing sumasama sa mga kaibigan sa pagescape sa klase d. kinakausap ang kaibigan sa mga masasamang ginagawa kahit pa na masaktan ito 4. Sino ang tunay na tumutulong sa kaibigan sa loob ng silid aralan? a. Si Kate na laging pinapakopya si Maria sa oras ng pagsusulit b. Si Anne na sinasabihan ang mga kaibigan na mag-aral ng mabuti c. Si Juan na palaging sinasama si Pedro na lumabas sa klase at kumain