Petsa. TEST- I Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot na inilalarawan ng bawat pangungusap. 1. Naglalayong maglahad o magbigay ng impormasyon, kabatiran at kapaliwanagan sa mga bagay-bagay at pangyayari ayon sa hinihingi ng pagkakataon at panahon. 2. Naglalayon itong magpakita o maglarawan ng mga bagay-bagay at mga pangyayari batay sa nakita,nararanasan o nasaksihan. 3. Tekstong ang layunin ay manghikayat at papaniwalain ang mga mambabasa. 4.Ito ay nagsasalaysay o nag-uugnay sa mga pangyayari sa kapaligiran ayon sa pagkakasunod-sunod. 5.Naglalayon itong maglahad ng mga simulain o proposisyon upang mapangatwiranan ang nais iparating na kaalaman sa mga mambabasa. 6.Layunin naman ng tekstong ito na magbigay ng impormasyon kung papaano gagawin ang isang bagay. 7.Siyang pinaka-pokus o pangunahing tema sa pagpapalawak ng ideya. 8. Gumagabay na bigyang daan ang pagpapalawak sa ideya ng paksang pangungusap. 9.Ang pangyayaring inilahad ay nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat. 10.Ang pangyayaring inilahad ng manunulat ay hinango sa totoong pangyayari sa daigdig. 11.Ito ay ang ginagamit ng may-akda sa paningin o pananaw sa kaniyang pagsasalaysay. 12.Ang ginagawang pagpapahayag ng manunulat ay batay sa katotohanan o paglatag ng mga ebidensya. 13.Ang pagpapahayag ng isang manunulat ay nakabatay sa kanyang imahinasyon o kaya ay opinyon lamang. 14.Tumutukoy ito sa karakter,, imahen o reputasyon ng tagapag salita/manunulat. 15.Tumutukoy ito sa opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng tagapag salita/manunulat. 16.Tumutukoy naman ito sa emosyon ng tagapakiig/mamababasa. 17.Pagbibigay kahulugan ng iasang di-pamilyar na terminolohiya o mga salitang bago sa pandinig ng mambabasa. 18.Pagtalakay sa dahilan ng pangyayari at kung ano ang bunga o magiging epekto ang bawat pangyayari na nagbibigay-daan.
pa help po plsss wala po ksi akong masagod
