Sagot :
Answer:
Pakikilahok at Bolunterismo
- Sa murang edad, si Kevin Kaplowitz nakapagbabahagi ng kanyang talento sa ibang tao. Sa pamamagitan nito, siya ay nakagpagdadala ng ngiti sa labi ng mga taong nasa ospital o yaong mga taong nalulungkot.
Tayo ay mapapaisip kung anong karanasan ba ang nakaimpluwansya sa kanya na nag-udyok upang tumulong sa kapwa? Ayon sa teksto, mayroong dalawang bagay na maaaring nag udyok sa kanya upang tumulong sa kapwa. Ito ay ang mga sumusunod:
- Ang kanyang ina na boluntaryong nagtuturo sa mga bata sa kanilang lugar - Bagamat hindi binanggit sa teksto kung anong klaseng komunidad mayroon sila Kevin, sapat na ang ibinigay na datos upang malaman natin na ang kanyang ina ay isang volunteer din. Ang pagtuturo sa mga bata ay hindi madali. Kailangan na paghandaan ito sa umaga, magsulat ng lesson plan, maghanda ng mga materyales na gagamitin sa pagtuturo, magplano ng paraan ng pagtuturo at higit sa lahat ay nangangailangan ito ng tiyaga at dedikasyon. Marami sa mga bata sa kasalukuyan ang mahirap turuan sapagkat sila ay madaling ma distract. Sa oras na mangyari ito, mahirap na muling makuha ang kanilang mga atensyon upang makinig sa klase.
- Ang kanyang kapatid na si Karen na siyang nagtatanghal sa mga ospital sa pamamagitan ng pagsayaw upang magbigay kasiyahan sa mga taong naroroon - Gaya ni Kevin, ang kanyang kapatid na si Karen ay pinili na makilahok ay magboluntaryo upang mapasaya ang mga taong maysakit. Ang pagsayaw ay nakapagdudulot ng pansamantalang aliw sa mga pasyente. Marahil para sa atin, ang pagmamagic at pagsayaw ay mga simpleng bagay lamang subalit sa totoo lamang at kung ating iisipin, ito ay mga bagay na nangangailangan ng dedikasyon at pagmamahal sa trabaho.
Explanation:
https://brainly.ph/question/2239494