👤

A.panuto:bigyang kahulogan Ang mga sumusunod na salita.

1.Man of prowess-_____________

2.kristiyanismo-_______________

3.Hinduismo-__________________

4.pilosopiya-___________________

5.Rehiyon-____________________​


Sagot :

Answer:

Man of Prowess- Ay mga taong kinikilalang namumuno at nagtataglay ng katapangan, kasipagan at katalinuhan.

Kristiyanismo- ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang diyos lámang) na nakabatay sa búhay at pinaniniwalaang mga katuruan ni Hesus na pinaniwalaan ng mga Kristiyano na isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ito ay ang pinakamalaking relihiyon sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong táong kasapi nito.

Hinduismo- ay isang nananaig na relihiyon[1][2] ng subkontinenteng Indiano. Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismo at Śrauta at iba pa. Sa ibang mga pagsasanay at pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabibilangan ng isang malawak na spektrum ng mga batas at preskripsiyong mga "pang-araw araw na moralidad" batay sa karma, dharma, at iba pang mga norm ng lipunan.

Pilosopiya- ay ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang iba't ibang anyo ng pakikipagtalastasan.

Rehiyon- ay isang salita o katawagang pangheograpiya na ginagamit sa maraming kaparaanan sa iba't ibang mga uri ng heograpiya. Sa pangkalahatan, ang rehiyon ay isang may hindi kalakihang sukat (midyum) na lugar o area ng lupa o tubig. Mas maliit ito kaysa buong pook ng isang bagay (na maaaring, bilang halimbawa, ang daigdig, isang bansa, isang sakop ng bundok, at iba pa).