👤

Natis Madungis (Alamat ng Ipis) ni Eduardo S. Miguel Jr.

Sa baryo ng mataas na kahoy masayang naninirahan ang mag-asawang Toy at Ne.

Kasama ang kanilang tanging anak na si Natis. Si Natis ay napakabibo at masayahing bata kaya naman kinagigiliwan ng mga tao sa paligid niya. Subalit siya ay napakatamad sa paglilinis ng katawan. Kinakailangan pang utusan siya upang maligo, maglinis, o kaya ay maghugas ng kamay. Sa panahon ngayon ay mahalaga ang pagiging malinis sapagkat maraming lumalaganap na sakit. Subalit ang batang si Natis ay nanatiling madungis. Kaya tinawag siyang Natis madungis. Nagpatuloy ang mga araw at patuloy lang din si Natis sa panlilimahid sa dumi nang makasalubong niya ang isang misteryosong matanda. Binilinan si Natis na kapag hindi siya nagbago sa pagiging madungis habang buhay magiging kasama ang maruruming insektong pakalat-kalat. Nang umuwi si Natis ng bahay muli siyang pinaalalahanan ng kaniyang ina na maglinis ng katawan upang malayo siya at kanilang pamilya sa sakit. Ngunit hindi siya nakinig dumeretso siya sa higaan at natulog Gumising si Natis ng umaga na gumagapang sa sahig. Laking gulat niya sa pagbabago ng kaniyang sukat at ang pambihirang pagkahumaling niya sa dumi, lalo na sa dumi sa bahay. Kinalaunan si Natis Madungis ay binansagan na ipis eksakto sa kanyang pagiging madungis at pagkahumaling sa dumi.

Sagutin ang sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1 Tungkol saan ang alamat?
2. Sino-sino ang tauhan sa kwento?
3. Ano ang problemang kinaharap ni Natis?
4. Bakit naging ipis ang batang si Natis?
5. Kung ikaw ang tatanungin dapat bang tuluran si Natis madungis? Bakit?​

please help me


Sagot :

Answer:

WALA LAMAN YUNG UTAK KO Sorry

Answer:

1.Tungkol saan ang alamat?

Tungkol ito sa pagiging madumi at mabaho

na dapat tayo ay maging malinis.

2.Sino sino ang tauhan sa kuwento?

Ang tauhan sa kwento ay si Toy, Ne, at Natis.

3. Ano ang problemang kinakaharap ni Natis?

Sya ay naging ganap na madumi at mabahong ipis.

4. Bakit naging Ipis ang Batang si natis?

Dahil napakadumi ng kanyang sarili.

at hindi sya naliligo.

5.Answer?! Hindi: dahil mali ito at magkakasakit ang iyong katawan pag ito nangyari.