👤

Ikaw ay mag-aaral sa isa sa mga kilalang paaralan sa Bulacan. Nag-aaral kang mabuti sapagkat nais mong makapagtapos ng pag-aaral nang may mataas na karangalan. Dahil dito, iniiwasan mong makipagbarkada upang makapagpokus ka sa iyong pag-aaral. Dahil sa pagsisikap mo ay naging Top 1 ka sa inyong klase at sa lahat ng mga ka-grade level mo. Maraming humanga at natuwa sa iyo kabilang na ang mga guro mo, ngunit marami rin ang nainggit at nainis sa iyo dahil dito. Magbuhat ng naging Top 1 ka, may mga nam-bully na sa iyo. May mga tumatawag sa iyo ng nerd, weird, walang pakisama, at kung ano-ano pa. Kung minsan ay may mga gumagawa pa ng masama sa iyo upang mapahiya o mapagtawanan ka. May ilan pang nanakit sa iyo nang pisikal kahit wala ka namang ginagawang masama sa kanila. Ayaw mo sanang magpaapekto sa kanila, ngunit tao ka lang kaya nasasaktan ka. Sa iyong kuwarto ay madalas kang umiyak. Palala nang palala ang pambu-bully sa iyo habang tumatagal, kung kaya minsan ay parang ayaw mo nang pumasok sa paaralan, ngunit naiisip mo ang iyong pangarap na makapagtapos ng pag-aaral nang may mataas na karangalan. Alam mo sa sarili mong mali ang nangyayari sa iyo, kung kaya dapat na itong matigil. Ano-anong mga gagawin mo upang masolusyunan ang iyong problema. Magbigay ka ng tatlong sunod-sunod na solusyon sa iyong problema at magbigay din ng maikling paliwanag kung bakit mo iyon gagawin. (3 puntos kada isang sagot na may paliwanag, ngunit isang puntos lamang kung walang paliwanag.