Basahin at suriin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin kung ito ay nagpapakita o hindi nagpapakita ng paggalang sa dayuhan. Isulat sa kuwadernoang NP kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at HNP naman kung hindi.
1. Pinagtawanan ni Abel ang nakasalubong niyang tao na maitim ang balathabang papasok siya sa paaralan.
NP HNP
2. Tinulungan ni Sebastian ang isang matandang dayo sa kanilang lugar na tumatawid sa kalsada nang makasabay niya ito sa pauwi ng bahay.
NP HNP
3. Nakituloy sa tahanan nila Myra ang ilang kasamahang dayuhan ng kaniyang ama upang dumalo sa isang pagtitipon kinabukasan ngunit tumanggi siyang humarap at magpakilala sa kanila.
NP HNP
4. Iniwasan at hindi kinausap ni Jessica at ng kaniyang mga kabarkada ang kanilang kaklase na bagong lipat sa kanilang paaralan.
NP HNP
5. Iniwasan ni Tony na mapalapit sa kapitbahay nilang dayuhan dahil ayaw niyang magsalita ng wikang banyaga.