AP L.Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Lagyan ng K ang mga patlang kung ito ay katotohanan at HO kung haka-haka . opinyon. 1. Kahanga-hanga ang mga programang ipinatupad ng Pamahalaang Commonwealth. 2. Ang Saligang Batas ng 1935 ang naging batayan ng Pamahalaang Commonwealth. 3. Naging kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng ating bansa ang Kagawaran ng Pambansang Tanggulan ni Pang. Quezon 4. Naging katangi-tangi ang pamamahala sa ating bansa sa ilalim ng Pamahalaang Commonwealth 5. Naging mabisa at kanais-nais ang mga programang iminungkahi ni Pangulong Manuel Quezon. 6.Nagsagawa ng Pambansang Asemblea tungkol sa Pambansang Awit 7. Ipinatupad ang patakarang katarungang panlipunan. 8. Napaghusay ang sistema ng edukasyon sa bansa sa paglikha ng Pambansang Sanggunian sa Edukasyon. 9. Ang kauna-unhang batas na pinagtibay ng Pambansang Asemblea ay ang Batas sa Tanggulang Bansa. 10. Nakasama sa sistema ng edukasyon ang pagpili ng Tagalog bilang batayang wikang pambansa.