Sa posisyong papel mula sa Tanggol Wika ipinahayag sa ikasampu na sa diwa ng international benchmarking, dapat bigyang-diin na ang pag-aaral ng wikang sarili at/o panitikan ay pawang bahagi rin ng mga required na asignatura sa mga unibersidad sa mga bansang gaya ng Estados Unidos, Germany, Sweden, Norway, Thailand, at Indonesia.
Dahil, ang ating sariling wika ang nag-uugnay sa atin sa ating pinanggalingan. Mahalaga talaga na dapat pag-aralan din natin ang ating sariling wika upang hindi masapawan ng ibang wika ang ating nakagisnan na.