👤

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutan ang kasunod na tanong.

Isang magsasaka si Mang Berto, bawat araw ng kaniyang gawain ay isinasaisip niya ang kapakanan ng mga taong tumatangkilik ng kaniyang produktong gulay.

Dahil sa kung anong kemikal na ang sumasama sa hangin at nalalanghap din natin, ay hindi siya gumagamit ng kung anong pestisidyo. Sa halip, organikong pataba ang ginagamit niya gaya ng dumi ng kalabaw, mga nabubulok na balat ng saging, gulay, at iba pa. Kaya lubos na kilala si Mang Berto sa tawag na Berto Organiko.

Tanong:

1. Sino si Mang Berto?

2. Anong magandang katangian mayrron si Mang Berto?

3. Bakit kilala si Mang Berto sa tawag na “Bertong Organiko”?

4. Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang maipabatid sa iba ang kahalagahan ng paggamit ng organikong pataba?

5. Ilarawan ang maaring maging lugar na pinagtatamnan ni Mang Berto kung gumagamit siya ng organikong pataba sa kanyang halamanan.​