Answer:
Kapakanan ng mga OFW
Malagim ang sinapit ng OFW na si Irma Edloy, at ito ay isa sa mga suliranin na kalakip ng globalisasyon. Dahil sa globalisasyon, mas na-enganyo ang maraming mga Pilipino na pumunta sa ibang bansa upang magtrabaho. Marami sa kanila ay pumapasok na domestic helper sa Middle East, ngunit hindi nila alam ang klase ng among kanilang daratnan. Dito pumapasok ang mga sitwasyon na kagaya ng naranasan ni Irma Edloy, kung saan siya ay pinagmalupitan ng kanyang amo at ginahasa pa nga. Namatay sya sa atake sa puso sa sobrang takot sa kanyang amo.
Kung ako ang tatanungin, ang dapat gawin ng pamahalaan upang matapos ang suliraning ito ay magkaroon ng kasunduan sa mga bansa sa Middle East na pwedeng i-extradite sa Pilipinas ang mga among magmamalupit sa kanilang mga domestic helper upang dito sa Pilipinas sila ikulong at maparusahan.