Sagot :
Unang sitwasyon: Nagpakita ba si Jeffrey ng makataong kilos? Oo () Hindi (/) Bakit?
Hindi nagpakita ng makataong kilos si Jeffrey dahil hindi siya naging masunurin sa utos ng kaniyang magulang. Sinuway niya ito at mas pinahalagahan pa kaniyang kamag-aaral. Bukod diyan, hindi niya pinahalagahan at isinaalang-alang ang damdamin ng magulang niya sa ginawa niyang pagkilos. At kahit alam niya ang maaaring kahinatnan nito, ginamit parin niya ang makataong kilos niya sa mali na hindi iniisip ang pagiging responsable dito.
Ikalawang sitwasyon: Sa tingin mo, nagpakita ba si Rosemarie ng makataong kilos dito? Oo (/) Hindi ( ) Bakit:?
Sa ikalawang pangyayari na ito, nagpakita ng makataong kilos si Rosemarie sa hindi pangongopya sa katabi niya kahit hindi siya nakapag-aral dito. Pinandigian ni Rosemarie kung ano ang tama at nararapat gawin. At kahit may kalayaan siyang gawin ito para makapasa, kumilos parin siya na naayon sa kabutihan at hindi lalabag sa kaniyang konsensiyang sinanay sa tama.
Paliwanag:
Ang makataong kilos ay may kalayaan kung ano ang gustong gawin na may pagkukusa. Pero kailangan na gamitin natin ito sa kabutihan at hindi para sa kasamaan o kapahamakan. Nasa atin parin ang desisyon sa bagay na ito dahil binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan na magpasiya. Pero huwag sana natin sanayin sa maling pagkilos ang ating makataong kilos sapagkat hindi it nagdudulot ng mabubuting resulta.
Maaari mo pang tingnan ang mga link na ito:
Isang reflection may kaugnayan sa makataong kilos: brainly.ph/question/1000621
Ilan sa mga masasamang halimbawa ng makataong kilos: brainly.ph/question/9530738
#BrainlyEveryday