👤

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
___1. Alin sa mga sumusunod ang mga produktong itinuturing na komplementaryo? A. sapatos at medyas C. toothpaste at toothbrush B. radyo at pahayagan D. cellphone at wifi

___2. Anong salik na nakakaapekto sa demand ang tinutukoy sa pahayag. “Sinasabing tumataas ang demand ng isang tao kapag gusto o hilig nya ang isang produkto o serbisyo.” A. Inaasahan B. Kita C. Panlasa D. Presyo

___3. Ano ang tawag sa kabayaran na tinatanggap ng isang tao kapalit ng kanyang ginawang produkto o serbisyo at batayan ng dami ng produkto at serbisyo na maaaring mabili? A. Demand B. Inaasahan C. Kita D. Presyo

___4. Ano ang tawag sa isang nakagawian na nahihikayat ang isang indibidwal na bumili ng produkto kapag marami ang bumibili o tumatangkilik nito? A. Bandwagon Effect B. Kita C. Inaasahan D. Panlasa

___5. Ano ang tawag sa produkto na pamalit o alternatibo sa ginagamit na produkto? A. Complementary Goods C. Normal Goods B. Inferior Goods D. Substitute Goods

___6. Ano ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagtaas ng kita?
A. Complementary Goods C. Normal Goods
B. Inferior Goods D. Substitute Goods

___7. Ano ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita?
A. Complementary Goods C. Normal Goods
B. Inferior Goods D. Substitute Goods

___8. Anong salik ng demand ang tinutukoy sa pahayag na ito? “Nahihikayat na bumili ang isang mamimili kapag nakikita niya na marami ang tumatangkilik sa isang produkto.”
A. Dami ng Mamimili B. Kita C. Inaasahan D. Panlasa​