Sagot :
Sagot at Paliwanag:
Tukuyin kung tama o mali ang bawat pahayag kaugnay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Isulat ang I sa patlang kung ang pahayag ay katotohanan kaya ay tumpak. Isulat naman ang M sa patlang kung ito ay mali at ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi ito wasto.
I 1. Ang lakbay-sanaysay ay tumutukoy sa isang sulatin na naglalahad sa lahat ng karanasan ng manunulat sa isang lugar at ang kakaibang kultura nito upang ipakilala sa mga tagatangkilik.
M 2. Ang ganitong sulatin ay nangangailangan ng malawak na pagpapaliwanag at mapalabok na pananalita upang mahikayat ang sinuman na magtungo sa isang lugar.
Dahilan kung bakit hindi wasto:
Sa pagsulat ng ganitong uri ng sulatin, hindi kailangan ng malawak na pagpapaliwanag at pagiging mapalabok sa pananalita. Kailangan maging direkta ngunit may laman ang mga pahayag.
I 3. Ipinapakita sa anumang uri ng travelogue ang magaganda at komplikadong katangian ng isang lugar upang magbigay ng malinaw na larawan sa mga nagnanais pumunta rito.
M 4. Ang dapat na itinatampok na lugar sa isang lakbay-sanaysay ay ang mga tanyag na tanawin sa isang lugar o kilala sa bansag na tourist spot.
Dahilan kung bakit hindi wasto:
Hindi lamang mga tanyag na tanawin o lugar ang maaaring maitampok sa isang lakbay sanaysay. Saan mang lugar ay maaari basta ito ay kaikitaan ng kuwento o istorya na may mabuting epekto at maaring maibahagi sa iba.
M 5. Sapat na ang pagsasaliksik gamit ang internet upang makabuo ng isang epektibong lakbay-sanaysay na ibabahagi sa mga mambabasa upang ipakilala ang isang lugar na di pa gaanong natutuklasan.
Dahilan kung bakit hindi wasto:
Hindi sapat ang pananaliksik gamit ang internet. Kailangang samaan ito ng direktang danas upang mas makintal at matutuhan ang mga karanasan sa pagsasagawa ng lakbay sanaysay.
#BRAINLYFAST