👤

Bilang miyembro ng pangkat,paano ninyo maipapakita ang sumusunod na pagpapahalaga sa pakikilahok sa gawain.Isulat ang iyong sagot sa HG notebook.
1. kooperas yon
2.pagkamahinahon​


Sagot :

Answer:

1. Kooperasyon - Maraming bagay o paraan upang maipakita ang kooperasyon sa isang grupo. Unang-una na rito ay ang pagbibigay ng ideya upang mas lalong dumami ang maaaring pamimiliang desisyon na lubhang kailangan upang masiguradong tama ang magiging hakbang ng isang grupo.

2. Pagkamahinahon - Marahil ay hindi maiiwasan na sa ilang mga pangkatang gawain ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kaya marapat na pairalin ang pagkamhinahon at diplomasya. Sa pamamagitan ng pagrespeto sa opinyon ng iba, pakikinig nang maayos sa mga suhestiyon, at pakikipag-usap nang maayos, maaari nating maipakita ang pagkamahinahon upang maging maayos ang samahan ng mga miyembro ng isang pangkat.

Explanation:

Ang kooperasyon at pagkamahinahon ay ilan lamang sa mga salik na dapat isaalang-alang upang maging mas maayos ang pangkatang gawain.

Para sa karagdagang kaalaman, maaaring sumangguni sa:

https://brainly.ph/question/1544676

#BRAINLYEVERYDAY