DENGUE
Ang DENGUE VIRUS na mula sa lamok ang sanhi ng sakit na Dengue. Bata o matanda, mayaman o mahirap kapag makagat ng lamok na may dalang DENGUE VIRUS, ay tiyak na dadapuan ng sakit na ito. Lubhang mapanganib na kung minsan nauuwi sa kamatayan ng taong dinapuan nito. Ang DENGUE VIRUS ay naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na AEDES AEGYPTI. Makikilala ang lamok na ito dahil sa mga puting stipes sa kanyang mga binti at sa bandang tiyan at marka sa anyo ng isang lyre sa itaas ng thorax nito. Ayon sa mga eksperto, ang lamok na ito ay nag mula sa africa at ngayon ay kumalat na sa mga bansang tropikal kagaya ng Pilipinas. Ayon sa Department of Health, ang AEDES AEGYPTI ay nangingitlog sa malinis at hindi dumadaloy na tubig (stagnant water). Ito ay karaniwangkumagat mulasa gilid o likod ng tao. Buong araw itong nangangagat pero mas madalas dalawang oras mula sa pagsikat ng araw at dalawang oras bago sumikat ng araw. Mas dumarami ang lamok na ito kapag tag-ulan dahil nagkalat ang mga bagay na maaaring pangitlogan.
Panuto: Magbasa ng isang artikulo tungkol sa kung papaano maiiwasan ang sakit na DENGUE. Maaari kang pumili sa kahit na anong sangguniang napag-aralan para kunan mo ng impormasyon ukol dito. Itala ito sa loob ng mga patlang na nasa ibaba.
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.