1. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya? A. Walang kusang-loob C. Di Kusang-loob B. Kusang-loob D. Kilos-loob 2. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama. A. Isip C. kilos-loob B. kalayaan D. Dignidad 3. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga Gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigayan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si ali kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro? A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot. B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot. C. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral. D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase. 4. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon? A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat. B. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling Gawain. C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito. D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsasakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga. 5. Ito ay ayon sa kalikasan ng tao bilang tao at hindi ito ginagamitan ng isip at kilos-loob. A. Kilos ng tao B. Kusang-loob C. Walang kusang-loob D. Kilos-loob 6. Ito ay kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa. A. Kilos-loob B. Makataong kilos C. Kilos-loob D. Kusang-loob