ni May P. Cabarrubias, castillejos National High School
Dugo't pawis ang puhunan, Umulan man o umaraw. At ang lupa ay binungkal, Pagpunla'y napakahusay Inaruga't binantayan.
Halaga'y walang kapantay Henerasyon yong binuhay, At sikmurang kumakalam. O gintong butil ng palay, O bigas, kanin ng buhay.
Panuto: Mula sa tulang iyong binasa, sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Anong elemento ng tula ang nalilinang sa bahaging ito? 2. Tungkol saan ang tulang iyong binasa? 3. Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang bawat saknong batay sa kaisipang nakapaloob dito. 4. Anong simbolismo ang ginamit sa tula? Magbigay ng angkop na pagpapakahulugan sa mga simbolismong ito. 5. Sa iyong palagay, aling bahagi ng tula ang nagpalutang sa ganda at kariktan nito? Patunayan ang sagot.