👤

Naangkop ba sa karakter ang mga binitawang niyang pananalita sa pelikulang heneral luna?

5 to 7 sentence in tagalog​


Sagot :

Answer:

SINEMATOGRAPIYA - Ang pelikulang Heneral Luna ay nag lalaman ng mga katotohan tungkol sa ating kasaysayan na ang ilan ay hindi natin inakala .Hindi man kasing galing tulad ng mga ‘’Hollywood films’’, hindi natin maipagkakaila na maganda at maayos ang pag kakagawa ng pelikula mula sa pag kuha ng mga videos at pag lalapat ng mga effects. Sa pamamagitan nito ay maayos na naisakatuparan ang mga ekesenang hinahangad ng mga gumawa ng pelikula.

DISENYO - Ang disenyong pamproduksiyon ng pelikula ay naayon lamang sa tema na makaluma. Dahil dito, mas nadama ng mga manonood ang makalumang tema ng pelikula. Nakamamangha rin ang kanilang disenyong produksiyon dahil akmang akma siya sa mga dapat na nasa pelikula tulad ng pananamit, gamit, lugar at iba pa.

EDITING - Ang editing ng pelikula ay mahusay na pagkagawa. Napaganda lalo ang pelikula dahil sa mahusay na pag-edit. Napakita rin nito ang pag-iiba ng eksena ng pelikula at napapaganda pa ito lalo. Dahil rin dito, namamangha ang mga manonood na manonood ng pelikula.

PAGGANAP - Base sa pelikulang aming natunghayan, aming natuklasan ang mga bagay na lingid sa aming kaalaman tungkol sa mga bayani ng ating bansa. Maayos na gumanap ang mga aktor base sa kanilang nasabing karakter. Ang bida na si Heneral Antonio Luna (John Arcilla) ay matapang, magiting, malakas ang loob at tapat sa kaniyang tungkulin na maypagmamahal sa bayan ng Pilipinas. Sya ay nakakatakot dahil sa kaniyang prankang pananalita at katayuan ng isang kagalang galang na heneral ngunit nakakubli roon ang kaniyang isang pagiging mapagmahal na anak, kapatid, kaibigan at kasintahan sa kaniyang minamahal. Ang kaniyang mga tauhan naman na sina Paco (Joem Bascon) atKapitan Rusca (Archie Alemania) ay mga tapat na tauhan sa Heneral. Sa kabilang banda naman, ang dating Pangulo na si Emilio Aguinaldo (Mon Confiado) ay gumanap sa pelikula bilang isang pangulo na walang sariling desisyon at paninindigan. Ang punong ministro naman na si Apolinario Mabini (Epy Quizon) ay isang patas na tagasunod at tagapayo. Sya ay tapat sa pangulo sa paraang sya ay nagmumungkahi rinng mga payo at mga bagay na para sa kaniya ay makabubuti sa bansa at mga tao nito. Tila ang nagsilbing panggulo sa pelikula ay ang mga karakter nina Felipe Buencamino

Sr. (Nonie Buencamino), Pedro Paterno (Leo Martinez), at Heneral Tomas Mascardo (Lorenz Martinez) na syang mga nakaaway ni Heneral Luna sa kaniyang mga paniniwala.

Explanation:

Sana makatulong