TAYAHIN Panuto: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat sa iyong kwaderno. 1. Sa pamamagitan ng kilos-loob, nahahanap ng tao ang : a. Kabutihan b. katotohanan c. kaalaman d. karunungan 2. Sa pamamagitan ng isip, nahahanap ng tao ang: a. Kabutihan b. katotohanan c. kaalaman d. karunungan 3. Ang isip at kilos-loob ay kailangang sanayin at linangin sa pagkamit ng a. Magandang buhay ng tao b. tagumpay ng tao c. kaganapan ng tao d. kasiyahan ng tao Sa tuwing nagkakamali ang mga anak ni Mang Rolly ay kaagad niya itong binibigyan ng palo ng kanyang mga kamay mismo. Para kay Mang Rolly dapat lamang ito upang hindi na maulit ang mga pagkakamali ng mga anak, ito ay isang paraan ng pagdidisiplina sa kanila. 4. Naging tama ba ang gamit ng kamay ni Mang Rolly para sa kanyang mga anak? a. Tama, ginamit niya ang kamay para madisiplina ang mga anak. b. Tama, dahil isa ito sa gawain na pwedeng ipagawa sa karnay.