Sagot :
Explanation:
Nagsimula ang lahat nang tayo ay tumayo sa dalawa nating mga paa, o ang maging bipedal, dito sa pinagmulan ng lahat ng tao sa daigdig, ang Africa. Ilang milyong taon na ang nakalilipas, ang Africa ay nagkaroon ng matinding pagbabago sa klima. Numipis ang kagubatan at nagkalayo-layo ang mga puno.
Sinasabi na ang bipedalism ay ang adaptation ng ating ninuno para maabot ang mga prutas sa mabababang sanga, o di kaya naman ay makatingin sa ibabaw ng mga matataas na damo. Ngunit ang isa sa pinakamalaking advantage ng bipedalism ay ang konserbasyon ng enerhiya.
Ang paglalakad sa dalawang paa ay hindi kumakain ng mas maraming enerhiya kumpara sa paglalakas sa apat. Mas naging madali sa ating mga ninuno na maglakad sa damuhan at magpalipat-lipat sa magkakalayong puno. Pinaniniwalaang ang pinakaunang gumawa nito ay ang Sahelanthropus na nabuhay pitong milyong taon na ang nakararaan.
Ang pagiging bipedal ay nagdulot ng malaking pagbabago sa ating katawan. Ang ating mga braso ay umiksi, ang spine ay nagkorteng-S, at ang bewang ay lumiit. Sa madaling salita, tayo ay naging sexy at matipuno. Mula sa pagbababa sa mga puno ay sinakop ng ating mga ninuno ang malalapad na plains ng Africa. Idinesenyo tayo para tumakbo at maglakad ng mahahabang distansya.