👤

Ano-ano ang naging prayoridad ng Pamahalaang Komonwelt? ​

Sagot :

Answer:

Ang Pamahalaang Komonwelt ay pinasinayan noong Nobyembre 15, 1935 matapos isagawa at pagtibayin ang isang Saligang Batas na hindi lamang para sa isang Pamahalaang Komonwelth kundi para na rin sa isang republika.

Naganap ang isang pambansang halalan ng 2 buwan bago pasinayan ang Komonwelth at si Manuel L. Quezon ang nahalal bilang Pangulo.

Explanation:

Narito ang ilan sa mga programa ng Pamahalaang Komonwelt:

1. Tanggulang Bansa - itinadhana ng Pamahalaang Asembleya ang Commonwealth Act I o ang National Defense Act (NDA). Ito ay binubuo ng Hukbong Panlupa, Pandagat at Panghimpapawid.

2. Pambansang Wika - itinadhan ang pagkakaroon ng pambansang wika na ibinatay sa Tagalog.

3. Katarungang Panlipunan - binigyang-halaga ang pagsigurado ng pamahalaan sa kaayusan ng ekonomiya at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan.

4. Pagboto ng mga kababaihan - binigyan ng karapatang bumoto ang mga babae at nang ginanap ang pangkalahatang halalan.

5. Pagbabago ng Edukasyon - itinatag ang National Council of Education noong 1936 na pinamunuan ni Rafael Palma.

#BrainlyEveryday