👤

II.Panuto: Tukuyin ang salitang naglalarawan o pang uri sa bawat pangungusap. 6. Mahalimuyak lalo na sa gabi ang dama de noche. 7. Ang mga dalagang Pilipina ay sadyang mahinhin, 8. Dakila ang mga taong nag-alay ng buhay sa kapwa. 9. Nakakatuwa ang malusog na sanggol. 10.Ang tigre at leon ay mababangis na hayop. III.Panuto: Isulat ang kasingkahulugan ng pang uring may salungguhit sa bawat pangungusap. 11. Ang matapang na sundalo ay tunay na magiting sa pagtatanggol ng kalayaan ng bansa. 12. Mapagkandili maging sa mga taong hindi kilala ang mapag arugang si Mother Teresa. 13. Kahapon, dumating kang wasak ang sapatos. Ngayon nama,y ang uniporme mo ang sira. 14. Ang mabangong bulaklak sa kanilang bakuran ay lalo pang mahalimuyak sa gabi. 15. Kung mainit dito, lalo nang maalinsangan sa aming bayan. IV.Panuto: Isulat sa patlang ang 1 kung lantay, 2 kung pahambing at 3 kung pasukdol ang kaantasan ng pang- uring may salungguhit sa pangungusap. 16. Ang dalaga ay masipag sa paghahanapbuhay. 17. Ikaw ang pinakamatangkad sa inyong pamilya? 18.Kasintangos ng sa kanyang ina ang ilong ni Marta. 19.Para sa akin, ito na ang pinakamasaya kong kaarawan sa lahat ng taon. 20. Ang mga pangyayaring naganap noong taong 2020 ay napakalaking pagsubok sa bawat isa.​