Sagot :
1. Ang salitang NOMADIKO ay nangangahulugang kawalan ng permanenteng panahanan o tirahan.
- Tama
2. Ang Homo Sapiens ay ang uri ng tao na tinaguriang Wise man o Thinking man.
- Tama
3. Ang pinakamahalagang nagging tuklas sa Panahon ng Lumang Bato ay ang pagkakatuklas sa apoy at ang mga gamit nito.
- Tama
4. Ang mga sinaunang kabihasnan ay umusbong at nabuo malapit sa mga pampang ng mga ilog.
- Tama
5. Maaaring mabuo ang kabihasnan kahit mawala ang isang salik sa pagbuo ng isang kabihasnan.
- Mali
6. Ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod at kadalasang kasingkahulugan ng salitang sibilisasyon.
- Tama
7. Ang mga pagbabago sa mga kasangkapan ang batayan sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Asya.
- Tama
8. lisa ang ibig sabihin o kahulugan ng salitang Artifact at Fossil.
- Mali
9. Nagsimulang magkaroon ng permanenteng panahanan ang tao noong panahon ng Bagong Bato o Neolitiko.
- Tama
10. Ang tinaguriang upright man dahil may kakayahan na itong maglakad ng tuwid ay ang Homo Erectus.​
- Tama