B. MGA PAGSASANAY Pagsasanay 1 Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin sa kahon ang wastong salita na tinutukoy nito at isulat sa patlang. malong t'nalak Yakan Kalinga Ifugao 1. Ang tawag sa hinahabing tela ng mga T’boli na mula sa hibla ng abaka. 2.Sila ang tanging pangkat na kapwa nagsusuot ng malong ang lalaki at babae. 3. Araw, kidlat, isda, ahas, butiki,puno at aso ang makikita sa kanilang mga kasuotan at kagamitan. 4. Ito ang tradisyong kasuotan ng mga Maranao na may malalaking sukat at ang tela nito ay makukulay na hinabi at pinagtigpi na kaugaliang isinusuot nila pambalot sa kanilang katawan. 5. Napakahalaga sa kanila ang mga palamuti sa katawan na nagpapakilala sa kanilang katayuan sa lipunan. Madalas gamitin ang kulay na pula, dilaw berde at itim.
