Sagot :
Sagot at Paliwanag:
B - ahagian. Ito ay bahagian ng mga saloobin at opinyon hinggil sa isang paksang pinag-uusapan. Ito ay nangangahulugang pagbibigay at pagtanggap ng mga saloobin o vive versa.
A - ngkop. Sa pakikibahagi sa balagtasan, marapat lamang na maalam tayo sa paggamiy ng mga angkop na salita upang higit na maging epektibo ang mga kahulugan ng paksa.
L - inaw. Sa balagtasan, marapat na may linaw ang mga kaisipang nais maipahatid. Hindi magiging matgumpay ang balagtasan kung walang kalinawan.
A - yos. Ang pakikibahagi sa balagtasan ay may sinusunod na ayos na kailangan isaalang-alang upang maging mahusay ang katapusan.
G - estures. Ang balagtasan ay hindi lamang tungkol sa pagsasalita kundi sa pagganit ng mga angkop na mga galaw o kumpas ang kamay upang mas maging epektibo ang pakikipagtalastasan.
T - alino. Ang balagtasan ay nangangailangan ng talino at husay hindi lamang sa pagbuo ng tula kundi maging sa pag-iisip ng mahusay na tema at pagsasaalang-alang sa tagapakinig.
A - ktuwal. Ang balagtasan ay aktuwal na isinasagawa. Ang ibang balagtasan ay nagkakaroon ng pagsasanay o pageensayo upang maging mahusay ang pagtatanghal.
S - agana. Ang balagtasan ay sagana sa malikhaing paraan ng pagbigkas ng mga salita maging ang imahinasyon sa paggamit ng mga imahe sa tula.
A - ral. Ang balagtasan ay marapat na kapulutan ng aral. Isa sa nakapahalagang elemento nito ay ang aral na maihahatid sa mga tagapakinig.
N - gayon. Ang mga paksang ginagamit sa balagtasan ay maaaring napapanahon o mga paksang pinag-uusapan ngayon.
#BRAINLYFAST