👤

magbigay ng matalinghagang pananalita na ginagamit sa tula

helpp or else plss helpp​


Sagot :

Answer:

kahalagahan:mahalaga ito dahil maliban sa pagiging isang matalinhagang salita nagsisilbi rin itong babala sa mga taong nais gumawa ng panloloko sa kanilang kapwa.

tandaan na samaraming pagkakataon ay naiiwasan natin ang apoy dahil ito ay nakapapaso o nakaaabo ng mga ariarian.

Tanong:

Magbigay ng matalinghagang pananalita na ginagamit sa tula

Sagot:

Narito ang 8/Walo halimbawa ng mga matalinghagang pananalita na ginagamit sa tula

Tungkol sa pagmamahal

Makipaglaro ng apoy/ Naglalaro ng apoy

  • Kahulugan: Ito ay may kahulugan na pagtataksil sa asawa o karelasyon o anumang gawain na makapaglalagay sa alanganin ng isang relasyon.

Sinasabing nagmula ang talinhagang ito mula sa konsepto ng init na nararamdaman ng tao kahit sa hindi niya karelasyon. At kapag nangyari na ito, tila isang apoy daw na nakapapaso ito ng relasyon na minsan ay nauuwi pa sa pagkatunaw o pagtatapos.

  • Kahalagahan: Mahalaga ito dahil maliban sa pagiging isang matalinhagang salita, nagsisilbi rin itong babala sa mga taong nais gumawa ng panloloko sa kanilang kapuwa.

Kabiyak ng puso

  • Kahulugan: Ito ay nangangahulugang sinisinta, asawa, o sinumang minamahal na nais pakasalan.

Sinasabing kabiyak ng puso ang isang minamahal dahil magkasama na sila sa mga desisyon sa buhay at iisa na ang tinitibok ng kanilang puso.

  • Kahalagahan: Nakikita ang halaga ng matalinhagang salitang ito bilang salita na ginagamit sa mga tula, sanaysay, o iba pang sulatin na tumutukoy sa damdamin.

Pag-iisang Dibdib

  • Kahulugan: Ito ay nangangahulugan ng kasal o wagas na pagsasama ng magkasintahan. Nagmula ang talinhaga na ito dahil sa sermonyang idinaraos upang pag-isahin ang dalawang taong nag-iibigan na tinatawag na kasal.

Ipinakakahulugan nito na ang dalawang nagmamahalan ay dapat iisa na lamang sa maraming bagay sa kanilang buhay.

Tungkol sa ina

Ilaw ng tahanan

  • Kahulugan: Isang pamosong matalinhagang salita ang ilaw ng tahanan sa kulturang Pilipino. Kapag sinabing ilaw ng tahanan, ito ay tumutukoy sa isang ina o nanay ng isang pamilya.

Sinasabing ilaw ng tahanan ang isang ina dahil ito ang gumagabay sa lahat ng miyembro ng pamilya. Ito ang nagsisilbing tanglaw upang matuto ng maraming bagay lalo na ang mga anak.

  • Kahalagahan: Mahalaga ang gamit ng talinhangang ito dahil bawat pamilya sa bansa ay mayroong ina. Hindi magkakaroon ng pamilya kung wala ang mga ina o kababaihang nagsisilang ng anak.

Isang paa sa hukay

  • Kahulugan: Tumutukoy naman ang talinhagang ito sa lagay ng isang ina tuwing manganganak ito o magsisilang ng sanggol. Nakalagay ang isang paa sa hukay dahil sa panganganak ay maaaring yumao ang isang ina.

Delikado o maselan ang panganganak kaya naman nauso ang katagang ito. Ito ay pagpapakita na maaaring maging kabayaran ng isang bagong buhay ay ang buhay ng kaniyang ina.

  • Kahalagahan: Isang nakatatakot na idyoma ang isang paa sa hukay dahil mayroon itong kinalaman sa kamatayan. Ngunit pagpapakita rin ito ng kadakilaan ng isang ina para sa kanilang pamilya.

Tungkol sa pamilya

Itim na Tupa

  • Kahulugan: Ito ay nangangahulugan na ang isang anak, kapatid, o miyembro ng pamilya ay suwail o mayroong mga hindi ginagawang mabuti.

Isang English na talinhaga ang pinaghanguan nito. Ayon sa mga eksperto sa wika, sa mga ipinanganganak na tupa raw, siguradong may isang itim ang balat. At ang may itim na balat ay hindi kaaya-aya sa iba dahil hindi ito maaaring kulayan pa.

  • Kahalagahan: Ito ay isang pagpapahiwatig na ang paglikha ng talinhaga ay isinasaalang-alang din ang pamilya at ang mga kahinaan nito.

Lukso ng Dugo

  • Kahulugan: Tumutukoy naman ito sa nararamdaman ng isang tao sa kaniyang kapuwa na nakapalagayan niya ng loob.

Maaari din itong tumukoy sa isang tao na bago pa lamang nakausap o nakilala ay may pakiramdam kang parang matagal mo na siyang kilala o mayroon kayong espesyal na koneksiyon.

  • Kahalagahan: Ito ay mahalagang bahagi ng panitikang Pilipino. Sa mga teleserye na ang paksa ay karaniwang nawawalan ng anak, ang lukso ng dugo ang isa sa mga sanggunian ng kanilang koneksiyon.

Pagpapakita rin ito ng isang mahalagang pag-aaral patungkol sa anatomiya o agham.

Hating kapatid

  • Kahulugan: Pantay na hatian ng magkapatid, magkamaga-anak, o magkaibigan ang kahulugan nito.

Ito ay nagmula sa pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pantay na hatian ng mga magkakapatid sa pamilya. Sana yang maraming Pilipino sa malaking bilang ng anak kaya naman kahit ano ang mayroon sa hapag ay sapat at tapat dapat ang hatian nito.

  • Kahalagahan: Ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga ng Pilipino sa bawat miyembro ng kanilang pamilya. Ang talinhaga ay nangangahulugan mismo ng pagiging patas.

Mahalaga ang pagiging patas dahil ito ang nagpapatibay ng anumang relasyon kasama ang pamilya, kaibigan, trabaho, o kalaro man.

I HOPE MAKATULONG:)