Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng diskriminasyon sa iba't-ibang antas ng lipunan? *
Pagkakaroon ng pare-parehong gawain at kita.
Pagbibigay ng prayoridad sa mga nasa taas ng lipunan.
Pagkakapantay-pantay ng bawat miyembro ng lipunan.
Pagpapahalaga sa mga alipin.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanang ng pagkakaiba ng Kabihasnan at sibilisasyon? *
Ang sibilisasyon ay maka-kanlurang konsepto samantalang ang Kabihasnan ay maka-Asyang konsepto.
Ang sibilisasyon ay kasama ang pag-uugali ng tao samantalang ang kabihasnan at anyo ng pamumuhay ng tao.
Ang sibilisasyon ay katulad ng kolonyalismo at imperyalismo samantalang ang kabihasnan ay ukol sa pag-unlad ng lipunan.
Ang sibilisasyon ay binibigyang-pansin ang lawak ng nasasakupan ng isang lipunan. Ang kabihasnan ay nagbibigay halaga sa ugnayan ng tao at kapaligiran sa antas ng pag-unlad.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng sining at arkitektura ng Sinaunang Kabihasnan. Piliin ang hindi kabilang. *
Hanging Gardens of Babyon
Mga estatwa at palayok
Spolarium
Templong Ziggurat
Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng pagkakaroon ng espesyalisasyon ng trabaho? *
Nagkaroon ng iba't-ibang uri ng hanapbuhay.
Nagkaroon ng mas madaming trabaho para sa mga tao sa lungsod.
Nagkaroon ng diskriminasyon at pag-uuring panlipunan.
Nagkaroon ng pondo ang lungsod at pamahalaan.
Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang Lambak-Ilog kung kaya't pinagsimulan ito ng kabihasnan? *
Ang mga Lambak-Ilog ay nagagamit sa pangingisda at pagtatanim.
Ang mga Labak-Ilog ay matatagpuan sa mga bansang maunlad at maraming likas na yaman.2
Mayroon itong matabang lupa na mapagkukunan ng pagkain at ilog na makukuhaan ng tubig at magagamit sa transportasyon.
Mayroong malawak na talampas ay mayaman na langis ang mga Lambak-Ilog kung kaya't madaling magsimula rito ng kabihasnan.
Paano napatunayan na mayroong mga organisadong relihiyon noon ang mga Sinaunang Kabihasnan? *
Mayroong mga nagsabi na mayroong mga organisadong relihiyon noong panahon ng Sinaunang Kabihasnan.
Ang internet at mga tao sa social media ay nagsasabing mayroong mga relihiyon na noon pa mang panahon ng Sinaunang Kabihasnan.
Mayroong mga nahukay na mga estatwa sa mga tahanan at pampublikong lugar. Mayroon ding mga templo na panambahan.
Walang patunay na mayroong mga organisadong relihiyon noong panahon ng Sinaunang Kabihasnan.
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang organisadong pamahalaan? *
Dahil ito ay simbolo ng isang kabihasnan.
Dahil ito ang nakikipag-ugnayan sa iba pang grupo ng tao sa labas ng lungsod.
Dahil ito ang nagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa kabuhayan ng mga tao sa lungsod.
Dahil ito ang nagpapatupad ng mga patakaran para sa kaayusan at programa para sa pangkabuhayan.
Ang mga sumusunod ay katangian ng isang matatag na lungsod maliban sa isa. *
Nakakapagbigay ng pagkain at tubig.
Mayroong kabuhayan.
Nakakapagtayo ng matibay na tahanan.
Lantad sa mababangis na hayop.
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sistema ng pagsusulat? *
Ito ay ginagamit sa pagtala ng mga transaksyon.
Dito nakalagay ang mga batas.
Paglikha ng mga literatura
Lahat ng nabanggit.
Ang Great Wall of China ay isa sa mga estruktra na daang taon nang nakatayo. Kung ikaw ay magkakaroon ng pagkakataon na mapuntahan ang lugar, alin sa mga sumusunod ang HINDI mo dapat gawin upang mapanatili ang katanyagan Great Wall of China? *
Kumuha ng mga larawan.
Magtapon ng basura sa paligid.
Maging maingat sa paglalakad sa Great Wall of China.
Ipagmalaki sa mga kasama ang kasaysayan Great Wall of China.