1. Ito ay aspekto na pinauunlad ng tao sa pagbibigay niya ng magandang serbisyo sa mga tao sa kanyang trabaho o paghahanapbuhay.
A. Aspektong Pangkabuhayan
B. Aspektong Politikal
C. Aspektong Intelektwal
D. Aspektong Panlipunan
2. Anong birtud ang ipinakikita ng pagbabayad natin ng tamang halaga sa mga bagay na binibili natin sa tindahan?
A. Pagmamahal
B. Katarungan
C. Pagkamakabayan
D. Kapayapaan
3. Anong birtud ang ipinakikita ng pagbibigay natin ng regalo kapag may espesyal na okasyon ang ating mga kamang-anak o kaibigan?
A. Pagmamahal
B. Katarungan
C. Pagkamakabayan
D. Kapayapaan
4. Ano ang pinatatatag ng birtud ng katarungan at pagmamahal?
A. Pakikipagtalastasan
B. Pakikipagkaibigan
C. Pakikipagkapuwa
D. Pagmamalasakit
5. Si Marife ay magaling na dalaga na punong-puno ng kaalaman dahil sa pagiging mahusay nitong tagapakinig at madalas na pakikipagtalastasan sa mga tao. Anong aspekto ng pamumuhay maunlad si Marife?
A. Intelektwal
B. Kabuhayan
C. Politikal
D. Lipunan