Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Tandaan Ang aralin sa ledger line ay gabay upang lalong maintindihan ang musika. Mapapansin mo na may linya at puwang din sa ledger line. Gaya pagbabasa ng mga note na isang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng nasa limguhit, binabasa natin ang mga nota pataas mula sa unang guhit na tinatawag nating mi, pagkatapos ay puwang, na tinatawag nating fa, pagkatapos ay guhito linya muli. Kaya ito ay salitan ng linya at puwang. Ganun din sa ledger line, salitan ng guhit at puwang ang lagay ng mga nota.
