TAMA O MALI: Isulat ang salitang TAMA kapag ang pangungusap ay nagsasad ng katotohanan, MALI ag hindi. 1. Noong ika 15 siglo Si Columbus ay naglakbay at nais niyang Patunayan na ang mundo ay tatsulok. 2. Ang mga unang Amerikanong Indian ay pinaniniwalaang nag simulang manirahan sa Amerika mga 30 libong taon na ang nakalipas. 3. Ang mga Eskimo o Inuit ang grupo na naninirahan sa mga Nagyeyelong lupain sa pinakadulong hilaga ng kontinente. 4. Ang grupo ng Eskimo ay gumagamit ng balat ng tao upang gamitin Nilang damit at tolda. 5. Ang grupong Indian Pueblo ang isa sa pinakamatanda at Kumplekadong kultura sa Amerika, 6. Ang kabihasnang Maya ay nahukay sa kagubatan ng Guatemala, Honduras at Katimugang Mexico. 7. Sa loob ng lungsod ng mga Aztec ay makikita ang mga templo at piramide. 8. Sa karagatan ng Andes naman nanirahan ang mga Inca. 9. Ang pinakamataas na pinuno ng mga Inca ay Emperador 10. Ang mga Inca ay nag-aalay din ng prutas at gulay sa mga itinuturing Na diyos. 11. Ang paglusob ng Hari ng Morocco ang naging dahilan ng pagbagsak ng Ghana. 12. Malaki ang nagging impluwensya ng kultura ng Ehipto sa Kultura ng mga Kushite. 13. Mula sa mga Assyrians natutong gumawa at gumamit ng mga Sandatang yari sa bakal ang Kushite. 14. May 3 malalaking disyerto sa Aprika, ang Sahara sa Hilaga at ang Namib at Kalahari sa Timog. 15. Ang oasis ay malalawak na damuhan na may nagkalat na mga puno at palumpong.