👤

A. Panuto: 1i1 hin ang talaarawan. Kopyahin ang diyagram at punan ng mahal ang pangyayari. Miyerkules. Hunyo 3, 2020 Madaling araw kanina ay nanganak ang aming pusa. Sabik naming inabangan ang paglabas ng mga munting kuting kaya naman maaga pa lang ay nasa kusina na kami. Habang naghahanda ng almusal ang nanay ay sumilip kami sa aming alaga. Parang pagod na pagod ito. Ang saya ng aking pakiramdam nang makakita ako ng apat na mga kuting na may kulay na puti, abo at mayroon din na magkahalong itim at abo. Huwebes, Hunyo 4, 2020 Hindi ako nakatulog kagabi agad dahil nag-isip ako ng mga pangalan na ibibigay sa apat naming kuting. Napagkasunduan naming magkapatid na hati kami sa pagbibigay ng pangalan. Papangalanan ko ang isa na Kitty at ang isa naman si Minnie. Bagay na bagay sa kanila ang mga pangalan na aking ibibigay. Ano kaya ang ibibigay na pangalan ng aking kapatid sa dalawa pang natitirang kuting? ау Biyernes, Hunyo 5, 2020 Ginising ako nang mang aking kapatid. Mangiyak- ngiyak siya habang nagkukuwento sa pagkamatay ng isang kuting. Nag-iyakan kaming dalawa nang makita namin ito. Inilabas namin ito at naghukay kami ng kaniyang paglilibingan. Kumuha kami ng mga bulaklak at nilagay ito sa lupa. Awang- awang kami sa aming pusa dahil hindi ito mapakali. Inilipat namin sila sa may sala. Doon, binantayan namin sila at inaalagaan nang maayos. Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division

hunyo 3


hunyo 4


hunyo 5