AKO NOONG PANAHON NG PANDEMYA
Maraming tao ang dating nagkalat sa kalye. Masaya at walang iniisip na problema. Isa ako sa mga taong iyon. Ngunit nagbago lamang ang lahat ng 'yon nang dahil sa pandemya.
Dahil lamang sa isang virus ay nagbago lahat ang nakagisnan nating lahat. Nandoon na 'yung imbis na mag-aral sa school, tayo ay nakaharap lamang sa mga gadgets. Madalas, lumalabo na ang ating mga mata para lang makahabol sa lessons na kailangan natin matutunan sa sarili natin. Minsan, hindi pa natin ma-reach out ang ibang mga teachers dahil hindi sila masyadong yaka sa teknolohiya.
Nakakaramdam din ako ng pagod at hirap. Hindi dahil sa nakahiga at nakakulong lang tayo sa loob ng bahay. Kung hindi dahil sa napapagod na tayong lahat mag-isip kung kailangan nga ba matatapos ito.
Pero kahit ganoon, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Hangga't buhay at malusog pa tayong lahat, hindi ako magsasawang maniwala sa Panginoon na matatapos na din ang pandemya na ito.
#CarryOnLearning