Sagot :
Answer:
Explanation:
KONTRIBUSYON NG GREECE
Ang mga kontribusyon ng Greece ay ang Olympic games. Ginawa nila ito para parangalan si Zeus, at binigyan ito ng mga griyego ng pinagmulan sa mitolohiya. Ang demokrasya ay nagsimula rin sa Greece. Nanggaling ito sa salitang “Demos” na ang ibig sabihin ay tao at “Kratos” na ang ibig sabihin ay kapangyarihan. Ang demokrasya sa Greece ay nagmula kay Pericles – isang pinuno at heneral ng Athens. Pinalakas nya ang Greece at ipinalaganap ang demokrasya. Ginawa nyang lahat ay pwedeng sumali sa mga gawain ng lungsod, walang pinipiling kasarian at edad sa mga trabaho. May kalayaan sa pagsasalita at kamalayan sa pag boto. Ang ginamit dito ang direktong demokrasya at 40 beses kung magkita-kita ang mga mamamayan para magusap-usap dito ay gumawa sila ng mga batas at pinag-usapan ang mga problema ng lungsod. Dahil dito, nagkaisa ang mga mamamayan upang higit na mapaunlad ang Greece. Ngunit sa Athens, ang mga lalaki ang natulong sa paglilingkod sa pamayanan at ang mga babae naman ay walang kakayanang maki-halubilo, makapag-aral at maki-alam sa mga nangyayari sa mga lungsod-estado ng Greece.
ᴄᴏʀʀᴇᴄᴛ ᴍᴇ ɪꜰ ɪ'ᴍ ᴡʀᴏɴɢ
#ᴄᴀʀʀʏᴏɴʟᴇᴀʀɴɪɴɢ