Sagot :
Answer:
Isabuhay ang pagkatuto
Gamitin ito sa oras na kinakailangan; tandaan na ang tunay na karunungan ay nagagamit at naipamamalas sa lahat ng pagkakataon. Ang paggamit ng natutuhan ay isa sa pinakamataas na uri ng kaalaman sapagkat ang mga ito ay nagkakaroon ng saysay.
Ibahagi sa Kapwa
Ang pagbabahagi sa kapwa ng natutunan ay pagpapakita na nailalapat ang kaalaman; sapagkat, sa pagbabahagi naisasalin ang kasanayan na maaring magamit ng taong nakatanggap nito.
Naktutulong din ito sa pagpapaunlad ng pamayanan;sapagkat, ang bawat kaalaman na naibabahagi ay maaring gamiting gabay sa pagpapaunlad ng buhay.
Gawing Gabay sa Araw-araw na Pamumuhay
Ang lahat ng kaaalaman na natutunan ay gawing gabay sa pagharap sa buhay; gamit ang kaalaman ay makaiiwas sa anumang problema na maaring kaharapin. Sapagkat, ang kaalaman na isinapuso't isip ay panangga sa anumang hamon ng buhay.