Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung
ang pangungusap ay nagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa at
malungkot na mukha ( ) kung hindi.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
______1. Ang magkaklaseng Carlo at Christian ay masayang nagbabasa ng
kanilang paboritong aklat sa silid-aklatan.
______2. Mabagal pang magbasa si Noli ngunit inuuna niya ang
pakikipaglaro sa kaniyang mga kaibigan.
______3. Upang madagdagan ang kaalaman nakaugalian na ni Hazel ang
magbasa ng mga aklat at magsaliksik sa internet pagkatapos niyang
magsagot ng kaniyang takdang aralin.
______4. Nakita ni Herman na may dalang malaswang babasahin ang
kaklaseng si Andrey. Kaagad niyang sinabi ito sa kanyang guro.
______5. Sa tuwing bumibili sa tindahan si Mila, sinusuri at binabasa
niyang mabuti ang mga detalye sa binili niyang produkto kung kaya
naiiwasan niyang makabili ng expired na pagkain