👤

Dapat na bang gawing legal ang marijuana bilang gamot? Published October 18, 2014 6:22pm Patuloy ang debate sa Kongreso tungkol sa panukalang batas para gawing legal ang paggamit sa marijuana bilang gamot sa ilang sakit at disorder tulad ng epilepsy. Pero pangamba ng ilan, baka maabuso ito at lalo pang makadagdag sa problema ng kriminalidad. Sa isang ulat ni Kara David sa GMA News, ipinakita niya ang dalawang- taong-gulang na si Julia Cunanan. Palangiti umano si Julia pero sa isang iglap ay naglalaho ang sigla nito sa mukha at titirik ang mga mata, maninigas ang buong katawan. Ipinanganak kasi si Julia na taglay ang karamdaman na partial seizure disorder. Sa isang araw, inaabot umano ng 50 ang pag-atake ng epileptic seizures ng bata. At sa bawat seizure, may brain cells sa kaniyang namamatay. Pag-amin ni Dra. Donnabel Cunanan, ina ni Julia, napapaiyak na lang siya kapag sinusumpong ang anak, at lagi siyang kinakabahan. Ilang gamot na raw ang sinubukan ng mga duktor kay Julia pero walang umubra kahit isa. Kaya naman nang mapanood daw ni Donnabel sa internet ang kuwento ng isang bata sa Amerika na gumaling sa parehong sakit, nabuhayan siya ng pag-asa. Ngunit ang problema, ang gamot na ginamit sa bata, marijuana extract o katas ng marijuana. Legal sa Amerika ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa iba't ibang sakit kasama na ang epilepsy at seizure.Pero sa Pilipinas, nanatili itong iligal. Dahil dito, ipinanukala ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III, ang House Bill No. 4477, na naglalayong gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa ilang sakit na wala pang lunas. Sagutin.
1. Tungkol saan ang artikulo?
2. Ano ang suliranin ng magulang ni Julia?
3. Batay sa nabasa sa internet, papaano gumaling ang isang bata sa Amerika na may katulad na karamdamang gaya ng kay Julia?
4. Kung ikaw ay doktor ni Julia, ipapayo mo ba sa mga magulang ni Julia ang marijuana? Bakit?
5. Balikan ang artikulo, naniniwala ka ba sa isinasaad sa internet? Bakit?
6. Papaano ka maiingganyo o mahihimok gumamit ng isang produkto?
7. Ano-ano ang dapat isaalang-alang bago gumamit ng isang produkto? Bakit​


Sagot :

Answer:

  1. Marijuana
  2. Mayroon siyng sakit na Partial Seizure Disorder
  3. Gumaling dahil sa katas ng marijuana
  4. Hindi,Dahil kailangan pa ng payo ng D.O.H para dito.
  5. Hindi,Dahil kailangan pa itong mapatunayan ng maayos
  6. Kung ito ay may patnubay ng D.O.H
  7. Kailangan Munang sabihin sa iksperto,upang mapanatiling ligatas ang iinom o kakain nito