Sagot :
Answer:
Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,isang pagtahamatuwid na landas upang marating ang paroroonangaano man ito kalapit, gaano man ito kalayogaano man ito kakitid, gaano man ito kalawakkaunti man o marami ang mga paang humahakbangmabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloyang bawat paghakbang ay may patutunguhan.ang bawat paghakbang ay may mararating.ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayanpaghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luhapaghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,pangamba at panganibmula pa sa panahon ng kawalang-malayhanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,digmaan at kasarinlanat hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyonsumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayankulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyoat tangis ng pamamaalam.ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing nakatanim ang maraming kulturangnag-uumapaw sa ating diwanagbabanyos sa ating damdaminnag-aakyat sa ating kaluluwasinubok ng maraming taoninalay sa mga bagong sibol ng panahonanumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarianang kultura’y pinayayabongnang may halong sigla at tuwa,nang may kasalong pagsubok at paghamon.
Explanation:
sana po makatulong ❤️