👤

PAGSASANAY 1

Unawain ang naging pagtalakay sa Wikang Pambansa.


Halos 3 dekada na ang nakalipas nang iniutos ng dating pangulong Corazon

Aquino na gamitin ng mga kagawaran at ahensya ng pamahalaan ang wikang

Filipino sa lahat ng uri ng komunikasyon. Iniutos din ng Atas Tagapagpaganap Blg

217 na isalin sa Filipino ang mga pangalan ng mga opisina, maging ang panunumpa

sa katungkulan ng mga opisyal sa gobyerno.

Nguni't sa kasalukuyan, inamin ni Celso Santiago Jr, assistant secretary ng

Presidential Communications Operations Office, na hindi pa rin wikang opisyal ang

Filipino, bagama't tanggap na ito ng nakararami bilang pambansang wika.

"Hangga't hindi nauunawaan ng karaniwang masa ang wika ng batas polisiya,

pangangasiwa, at pamamahala, hindi natin naibibigay sa kanila ang

kapangyarihang maging mga aktibong mamamayang may pakikisangkot sa

pamamahala at pagpapatakbo ng bansa," sabi ni Santiago sa mga kalahok sa

Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika.

Masasabing opisyal ang wika kung ito ang gamit sa mga opisyal na talastasan

sa pamahalaan, paliwanag ni Santiago. Aniya, sinimulan na rin kahit papaano ng

kasalukuyang pamahalaan na dalasan ang paggamit ng Filipino bilang wikang

opisyal:

"Sinikap naming gamitin ang wikang Filipino upang maabot ang mga

programa ng pamahalaan sa mas nakararami," wika ni Santiago.


PAGSASANAY 2

Batay sa iyong naging pag-unawa sa napakinggang pagtalakay sa Wikang

Pambansa, itala ang mga mahahalagang punto mula rito.

1.

____________________________________________________________

2.

____________________________________________________________

3.

____________________________________________________________

4.

____________________________________________________________

5.

____________________________________________________________​