👤

1. Paano mo ipapahayag ang iyong opinyon o reaksyon tungkol sa isyu ?
A. Alin ba ang mas maganda at matibay, ang lokal o imported ?
B. Para sa akin, hindi naman masamang bumili ng mga bagay na yari sa ibang bansa lalo na kung ito ay mura at matibay.
C. Bahala kayo basta ang gusto ko ay mga imported.
D. Bakit hindi ba ninyo gusto ang mga imported na bagay?

2. Nakasanayan ng iyong nanay na siya palagi ang namimill kung ano ang iyong isusuot pero hindi mo ito nagustuhan dahil malaki ka na. Nagkakataong bumili siya ng sapatos para sa iyo. Ano ang iyong maaaring reaksyon ?
A. Ano ba iyan, Nanay !
B. Ayokong magsuot sa binili mo !
C. Hindi ko nagustuhan !
D. Wow lang ganda pero okey lang ba sa iyo nanay na sa susunod ako na ang mamimili para sa akin.

3. Ang mga pulis ay may mahalagang tungkuling ginagampanan na kadalasang mapanganib. Nari- to ang isang pangyayari.
Laging may ilaw na nakasindi kung gabi sa daang katapat ng isang malaking groserya. Nang dumaan ang pulis, napansin niyang patay ang ilaw. Sa kanyang pagsisiyasat, nakita niyang tuklap ang bintana ng isang bahagi ng groserya. Nang sumilip siya sa butas nito, may nakita siyang mga gumagalaw sa loob ng groserya. Ano kaya ang maging reaksyon ng pulis ?
A. Umalis na lang siya.
B. Isinara niya ang bintana.
C. Dahan-dahan siyang pumasok upang magsiyasat
D. Sisigawan niya ang nasa loob ng groserya.

4. Laking gulat ng ina nang malamanniyang nabundol sa kotse ang kanyang anak. Ano kaya ang magiging reaksyon ng ina?
A. Magalit
B. Magmamadaling pinuntahan ang anak
C. Magsawalang kibo
D. Ipinaubaya na sa iba ang tulong

5. Ang paggamit ng dinamita ay malaking pinsala na naidudulot ng mga isda.. May ilan sa mga ta- ong nagpatuloy pa rin sa paggamit nito sa paghuli ng isda. Ano ang naging opinyon mo sa pangyayaring ito?
A. May malaking pinsala sa mga isda ang maidudulot sa paggamit ng dinamita.
B. Malilipol ang mga maliliit at malalaking isda.
C. Kailangang higpitan ang pagbantay at istriktong pagpapatupad ng batas nito.
D. Lahat ng mga ito.​