👤

Ano anong kultura ng france ang may pagkatulad sa kultura ng pilipinas ib igay ang mga ito

Sagot :

Answer:

Pagkakapareho ng bansang Pilipinas at France

Ang dalawang bansang ito ay maraming pagkakapareho katulad na lang ng kanilang kultura at mga atraksyon sa iba’t ibang lugar sa kanilang bansa, at marami pang iba.

Relihiyon

Alam natin ang isa sa pinakamalaking relihiyon sa buong bansa ay ang Katoliko. Ganun din sa Pilipinas at France ang nangungunang pinakamalaking relihiyon sa kanila ay Katoliko

Pagpapahalaga sa Kanilang Bansa

Nabanggit sa nakaraang aralin aralin kung gaano pinapahalagahan ng mga taga France ang kanilang bansa, kaya ko nasabi ito sa isang pagkakapareho ng France at Pilipinas ay dahil dito sa Pilipinas hindi natin hinahayaang meron mang-api sa atin, katulad na lang ng mga dayuhang hindi marunong rumespeto sa ating kapwa Pilipino ay ipinag tatanggol natin sila dahil mali ang kanilang ginagawa.

Lutuin

Kilala din ang France sa kanilang masasarp ng luto tulad ng sopas na tinatawag nilang 'Soupe A L’Oignon’ at mga Desert na ‘Macaron’ at ‘Macaroon’ na gustong gusto ng mga taga France. Ganun din sa Pilipinas hindi mawawala ang pagiging mahusay sa pagluluto ng mga Pilipino sa mga pagkaing inihahanda. Ilan dito ay ang ‘Adobong Manok’, ‘Sisig’, at ‘Tinolang Manok’ at marami pang iba.

Sining

Kilala ang france sa kanilang pagkamalikhain sa sining gaya ng gawa ni Leonardo Da vinci na kanyang ipininta na ‘Mona Lisa’ at ang ‘Venus De Milo’ na ipininta ni Alexandros Antioch makikita ang dalawang ito sa Paris sa pinakamalaking museum ng sining/art ang Louvre Museum. Gaya ng bansang Pilipinas meron din tayong mahuhusay na Pilipinong Pintor isa na ditonsa Fernando Amorsolo na binansagang ‘unang alagad ng Sining ng Pilipinas’ kilala ang kanyang mga gawa na nag papakita ng mga kagandahan ng Pilipinas, lalo na ng mga babaeng Pilipina — Rice Planting. Isa rin sa magagaling na pintor sa Pilipinas ay si Juan Luna nakilala siya sa kanyang Pinsel gaya ng pagkillala sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at espada, Naging sikat ang gawa niya na pinamagatan niyang ‘Spolarium’ na nagpapakita ng isang madugong bahagi ng kasaysayan ng Romano.