A. Panuto: Basahin ang dayalogo ng mag-ina at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isang araw habang nagluluto si Aling Ana ay patakbong lumapit ang anak niyang si Jea na hawak-hawak ang isang magasin. Jea: Nanay, tingnan mo po ito. Ang galing nitong sabong panlaba. Bili ka po nito para hindi na tayo mahirapan sa paglalaba. Nanay: Bakit? Ano raw sinasabi diyan? Jea: Sabi po dito kapag itong sabon daw ang bibilhin ay tanggal agad ang mga dumi at mantsa kahit hindi na kusutin. Kaunting babad lang maaalis na. Nanay: Ganoon ba? Pero alam mo ba anak na patalastas iyan kaya ganyan ang sinasabi nila kasi gusto nilang marami ang bumili ng kanilang produkto. Jea: Kaya po pala gumagawa sila ng patalastas. Pero siyempre ikaw pa rin nanay ang magaling maglaba lalo na kapag katulong mo ako kaya kahit anong sabon pa gamitin natin tiyak na malinis ang ating labada. 1.Ano ang ibinalita ni Jea sa kanyang nanay? A. tungkol sa sabong panlaba B. tungkol sa sabong pampaligo C. tungkol sa sabong pampaputi D.tungkol sa sabong panlunas sa skin allergy 2. Bakit kaya nagustuhan ni Jea ang sabong ito? A. Dahil sa mura lang ito at mabango pa. B. Dahil sa matigas at makapal ito. C. Dahil sa madaling makaalis ng dumi at mantsa. D. Dahil sa may maganda itong kulay. 3. Naniwala ba sa patalastas si Aling Ana? Bakit? A. Opo, dahil nagustuhan niya rin ito. B. Opo, dahil maganda ang pagkagawa ng patalastas. C. Hindi po, dahil patalastas lang ito upang bumenta. D. Hindi po, dahil nasubukan niya na ito.