👤

ano ang mangyayari kung walang sistemang panulat sa bawat kabihasnan​

Sagot :

Answer:

Ang pagsusulat o pagtatala tungkol sa isang kabihasnan ay maituturing na importanteng sangay ng kasaysayan.

Kung wala ang sistema ng pagsulat ay tiyak wala tayong mababasang aklat na magdadala saatin sa nakaraan.

Ito ay paraan upang hindi mabaon sa limot ang mga naganap at nagaganap sa kasalukuyan. Lahat ng naisusulat tungkol sa isang kabihasnan ay maipamamana sa susunod na henerasyon at mapapanatil ang kulturang nasimulan nito.

Ito rin ay magsisilbing gabay sa bawat henerasyon upang pagyamanin ang kultura, paniniwala, panitikan, at lenggwahe na meron ang isang kabihasnan.