👤

Si Rena ay nagwawalis ng bakuran nang makita niya ang mga nagkalat na mga lumang kahoy.

Rena: Itay, itatapon ko na po ang mga lumang kahoy na ito? Tatay: Huwag mong itapon iyan Rene! Marami pa tayong magagawa riyan iligpit mo nalang muna.
Rena: Ngunit luma na po ito, Itay! Ano pa po ba ang magagawa mula rito?
Tatay: Anak, hindi lahat ng luma ay dapat itapon at wala nang halaga. Makikita mo, igagawa ko ng bahay mula sakahoy na iyan si Bantay.
Rena: Talaga po? Yehey may bahay na ang alaga kong si Bantay!

Tanong:
Ano ang gustong itatapon ni Rena?

Bakit ayaw ipapatapon ng tatay ni Rena ang mga lumang kahoy?

Ano ang paksa ng usapan?​