Panuto: Alamin kung sino ang tauhang tinutukoy ng linya mula sa nobelang Ang Kuba ng Notre Dame. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
1. Mahabag ka sa akin, binibini. Alam mo ba kung gaano ako kasawimpalad? Ako, na isang pari ay umiibig sa isang dalaga. At nakikita ko ngayon ang dalagang ito na nasa bingit ng kamatayan. Kaawaan mo ako, tutulungan kitang makaligtas.
2. Nalimutan mo na ba ako na tumambang sa iyo isang gabi habang pauwi nia sa iyong tirahan, na kinabukasan ay siyang pinainom mo ng tubig noong hagupitin ako sa harap ng madla? Marahil ay nalimutan mo na. Ngunit ako ay hindi.
3. O, kapitan! Ipagpaumanhin mo ang aking kapangahasan. Alam kong mali itong aking gagawin ngunit nais kong malaman mong ay aking iniibig.
4. Sayang lamang ang inihanda kong palabas para sa mga taong hindi nakauunawa ng sining. Ah, mga parisianong ang alam ay pawang kasiyahan!
5.hindi ko maaaring ibigin ang babaeng iyan sapagkat magkaiba ang estado ng aming buhay.