Isulat sa puwang sa unahan ng bilang ang TAMA kung wasto ang isinasaad na kaisipan sa pangungusap; MALI naman kung hindi wasto. (10puntos) 1. Si Felipe Calderoň ang nanguna sa paggawa ng Saligang Batas. Tama 2. Isang demokratikong uri ng pamahalaan ang ipinatupad ni Emilio Aguinaldo. 3. Hindi kasama sa napagkasunduan sa Kongreso ng Malolos ang pagbabayad ng Amerika sa mga ari-arian na nasira ng mga Espanyol. 4. Sa Meycauyan, Bulacan matatagpuan ang simbahan na pinagdausan ng Kongreso ng Malolos. 5. Si Andres Bonifacio ang pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo. 6. Hindi nagtagal ang saligang batas na ginawa sa Kongreso ng Malolos dahil hinuli at ipinakulong si Emilio Aguinaldo. 7. Si Antonio Luna ang itinalaga bilang kalihim ng ugnayang panlabas ng Unang Republika. 8. Naganap ang Kongreso ng Malolos sa Katerdral ng Malolos. 9. Ang tatlong mahahalagang sangay ng pamahalan na nakapapaloob sa Saligang Batas ng Malolos ay ang Lehislatura, Hudisyal at Ehekutibo. 10. Ang mga nagtahi ng bandila ng Pilipinas ay sina Teodora Alonzo, Gregoria de Jesus at Trinidad Tecson.