👤

kailangan mong sumulat ng isang sanaysay tungkol sa isang isyu o paksa sa panahon ng kasarinlan na umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyang mapipili sa ibaba. kailangang ipakita mo ang ibat ibang paraan ng paglalahad sa bubuoing sanaysay. alalahanin ang mga natalakay tungkol sa pagsulat ng sanysay at paglalahad.

Kailangan Mong Sumulat Ng Isang Sanaysay Tungkol Sa Isang Isyu O Paksa Sa Panahon Ng Kasarinlan Na Umiiral Pa Rin Hanggang Sa Kasalukuyang Mapipili Sa Ibaba Kai class=

Sagot :

Answer:

Kalikasan

Maraming parte ang kalikasan tulad ng ilog,dagat, kabundukan, kagubatan at marami pang iba. Ang kalikasan ang nagpapanatili ng kagandahan ng Isang lugar o pook. Ito rin ang dahilan kung bakit maaaring tirahan ang mundong ito. Ngunit sa habang pagtaggal ng panahon ay unting unti itong nasisira dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao.

Ang mga dahilan kung bakit unting unting nasisira ang kapaligiran ay ang di hamak na pagpuputol ng mga puno sa kabundukan at kagubatan, ang labis-labis na pagtapon ng basura sa ilog,dagat,lawa at iba pang mga anyong tubig sa mundo at sa aking opinyon ay iisa lang ang dahilan kung bakit ito nangyayari at iyon ang mga taong nawawalan ng disiplina sa paligid. Dahil sa pagdami ng populasyon ng tao ay ang patuloy tuloy na pagkakalat sa paligid, isa pa dito ang kawalan ng tirahan sa bagong pamilya na nabubuo. At ayon sa UN humigit kumulang 385, 000 na sanggol ang ipinapanganak kada araw at sumatotal halos 140,000,000 (140 million) ang ipinapanganak sa isang buong taon.

Isa ito sa sanhi kung bakit patuloy ang pagdami ng kalat sa paligid, ito ay ang pagdami din ng mga tao. Ngunit madami namang opinyon ang mga opisyales dito. Isa na dito ay ang 3r's (reduce, reuse, recycle) isa itong mabisang paraan upang mabawasan ang pagtatabas ng puno sa kabundukan at kagubatan. Isa pa ang mga tv shows tulad ng G Diaries na patuloy na tumatalakay sa kalikasan at ang patuloy na pagtulong sa muling pagbangon ng kalikasan. Madami tayong kayang gawin kung tayo'y magtultulungan ng iisang grupo upang maiwaksi na ang pagkalipol ng kalakasan.